• Home
  • Our Story
  • Our People
  • Programs & Campaigns
  • Take a Stand
  • LILAK Press
  • Publications
  • Resources 
    • Umalohokan News
    • Coverage
    • Photos
    • Videos
  • Artivism 
    • KPinay, May K Ka
    • Fëgëlukës at Linggëng
    • Illustrations
    • Poems
    • Creative Videos
  • …  
    • Home
    • Our Story
    • Our People
    • Programs & Campaigns
    • Take a Stand
    • LILAK Press
    • Publications
    • Resources 
      • Umalohokan News
      • Coverage
      • Photos
      • Videos
    • Artivism 
      • KPinay, May K Ka
      • Fëgëlukës at Linggëng
      • Illustrations
      • Poems
      • Creative Videos
Support LILAK
  • Home
  • Our Story
  • Our People
  • Programs & Campaigns
  • Take a Stand
  • LILAK Press
  • Publications
  • Resources 
    • Umalohokan News
    • Coverage
    • Photos
    • Videos
  • Artivism 
    • KPinay, May K Ka
    • Fëgëlukës at Linggëng
    • Illustrations
    • Poems
    • Creative Videos
  • …  
    • Home
    • Our Story
    • Our People
    • Programs & Campaigns
    • Take a Stand
    • LILAK Press
    • Publications
    • Resources 
      • Umalohokan News
      • Coverage
      • Photos
      • Videos
    • Artivism 
      • KPinay, May K Ka
      • Fëgëlukës at Linggëng
      • Illustrations
      • Poems
      • Creative Videos
Support LILAK

Bilang ng mga pagpatay sa mga katutubo sa BARMM, umabot na sa 90 simula 2014

Inged Umalohokan

· Community Article

Nagpahayag ng pagkabahala at nanawagan ng proteksyon ang mga katutubong Teduray at Lambangian sa gitna ng mga banta sa kanilang seguridad sa Maguindanao del Sur. Sa isang konsultasyon na ginanap sa Barangay Romongaob, South Upi, Maguindanao Del Sur noong Mayo 29, 2025, inilatag ng mga katutubong lider ang mga dokumentasyon sa mga pagpatay sa mga katutubo simula pa noong 2014.

Section image

Larawan mula sa Inged Umalohokan

Dalawampu’t pito (27) sa mga kasong ito ay nangyari sa South Upi, Maguindanao Del Sur. Kabilang sa mga ang pagpatay sa dating bise alkalde ng South Upi na si Roldan Benito at ang kanyang bodyguard noong Agosto 2, 2024.

Hindi bababa sa 40 katutubo ang nakatatanggap at nakararanas ng pagbabanta sa kasalukyan, matapos ang 2025 Midterm Elections. Dumalo sa konsultasyon ang 56 na katutubo, kasama ang mga katutubong lider na nakatatanggap ng mga banta, at kamaganak ng mga pinatay simula pa noong 2014. Nasa dayalogo rin ang mga kinatawanan ng Municipal Police Station sa pangunguna ni Chief of Police Captain Jafni Lao, at Sgt. Michael Alcantar ng 57 Infantry Battalion.

Ayon kay Lao, ang mga nasabing kaso, na mula pa noong 2014, at 27 na insidente ng mga pagpaslang sa mga katutubo sa bayan ng South Upi ay naresolba na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa AFP, PNP at LGU. Dagdag pa niya, ilan sa mga naresolbang kaso ay maaring nasampahan na ng kaso, umatras na ang pamilya ng biktima sa kaso, o di kaya’y namatay o pinatay na ang suspect.

Ang pahayag na ito ni Lao ay naging malaking palaisipan sa mga pamilya ng mga biktima dahil ang iba sa kanila ay walang natanggap na impormasyon tungkol sa pagresolba sa mga kaso. Kung kaya’t hustisya at katarungan ang patuloy na sigaw ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.

Ayon kay Lao, “Walang dapat ikabahala at ipangamba ang mga residente sa bayan ng South Upi, Maguindanao Del Sur lalong-lalo na ang mga IP [Indigenous Peoples] community kung Peace and Order ang paguusapan. Makipag-ugnayan sa ating mga kapulisan o ireport ang mga kahina hinalang mga tao sa ating komunidad.”

Dagdag ni Lao, kulang na kulang ang mga pulisan na naka base sa bayan ng South Upi ngunit sinisikap nilang maramdaman ang kanilang presensya sa 11 na barangay sa South Upi.

Ilang mga organisasyon na ang nagpalabas ng pahayag tungkol sa tumataas at naka-aalarmang bilang ng mga pagpatay sa Maguindanao. Ang tensyong ito ay nagdudulot ng takot at pangamba sa buong komunidad.

Ayon kay Rachel Tahay, Secretary-Ggeneral ng Inged Fintailan, “Hindi dapat itago ang mga issue na nangyayari sa South Upi. Nagsasalita na kami tungkol sa mga isyung ito simula pa noong 2014. Hindi natin masasabihing peaceful, lalo na sa amin bilang mga leader dahil mga katutubo at mga komunidad namin mismo ang mga biktima dito.”

Hiling din ng mga katutubong lider sa mga miyembro ng media na maging patas, sensitibo, at makatao sa kanilang pagbabalita sa gitna ng mga kumakalat na maling impormasyon sa mga lokal na pahayagan at radyo.

Previous
Indigenous Women and Livelihood
Next
Punlaan ng Kamalayan, Pangarap, at Pagkakaisa ng...
 Return to site
Cookie Use
We use cookies to improve browsing experience, security, and data collection. By accepting, you agree to the use of cookies for advertising and analytics. You can change your cookie settings at any time. Learn More
Accept all
Settings
Decline All
Cookie Settings
Necessary Cookies
These cookies enable core functionality such as security, network management, and accessibility. These cookies can’t be switched off.
Analytics Cookies
These cookies help us better understand how visitors interact with our website and help us discover errors.
Preferences Cookies
These cookies allow the website to remember choices you've made to provide enhanced functionality and personalization.
Save