• Home
  • Our Story
  • Our People
  • Programs & Campaigns
  • Take a Stand
  • LILAK Press
  • Publications
  • Resources 
    • Umalohokan News
    • Coverage
    • Photos
    • Videos
  • Artivism 
    • Megsembatu Kite!
    • KPinay, May K Ka
    • Fëgëlukës at Linggëng
    • Illustrations
    • Poems
  • …  
    • Home
    • Our Story
    • Our People
    • Programs & Campaigns
    • Take a Stand
    • LILAK Press
    • Publications
    • Resources 
      • Umalohokan News
      • Coverage
      • Photos
      • Videos
    • Artivism 
      • Megsembatu Kite!
      • KPinay, May K Ka
      • Fëgëlukës at Linggëng
      • Illustrations
      • Poems
Support LILAK
  • Home
  • Our Story
  • Our People
  • Programs & Campaigns
  • Take a Stand
  • LILAK Press
  • Publications
  • Resources 
    • Umalohokan News
    • Coverage
    • Photos
    • Videos
  • Artivism 
    • Megsembatu Kite!
    • KPinay, May K Ka
    • Fëgëlukës at Linggëng
    • Illustrations
    • Poems
  • …  
    • Home
    • Our Story
    • Our People
    • Programs & Campaigns
    • Take a Stand
    • LILAK Press
    • Publications
    • Resources 
      • Umalohokan News
      • Coverage
      • Photos
      • Videos
    • Artivism 
      • Megsembatu Kite!
      • KPinay, May K Ka
      • Fëgëlukës at Linggëng
      • Illustrations
      • Poems
Support LILAK

Katutubong Teduray at Lambangian: Ang binhi ay buhay na pamana, pagkain ng kinabukasan, at bahagi ng kultura

Sulat nina Rizell Campo at Rachel Tahay, Inged Umalohokan

· Community Article
Section image

Maguindanao - Sa gitna ng mabilis na pagbabago ng panahon, pagliit ng lupang sakahan, hamon ng kalikasan, at mga banta ng pagbabago ng klima, ang mga Teduray at Lambangian ay iniingatan, ipinagpapatuloy, at inaalagaan ang “kiwot” (seedbank). Ang kiwot ay imbakan ng mga katutubong binhi na ipinasa mula sa mga katutubong ninuno sa mahabang panahon.

Ang kiwot ay isang pasilidad na gawa sa kawayan, kogon at iba pang tradisyunal na materyales. Ito ay hindi lamang isang estruktura o pasilidad - ito ay isang buhay na tradisyon, tulay ng nakaraan at hinaharap, at pundasyon ng kaligtasan at seguridad sa pagkain ng mga katutubong komunidad. Ito rin ay nakaugat sa paniniwala, kaugalian at karunungang pamana mula sa mga ninuno.

Kasabay ng pagpapalakas ng sistema sa pangangalaga, pag-iimbak at pagpapalitan ng mga tradisyonal na binhi, ay ang pagpapalakas din ng sistema ng tradisyunal at katutubong pagsasaka. Ang pamumuhay at kaugalian ng Teduray at Lambangian ay nakasentro sa lupa at kalikasan. Ang paraan ng pagsasaka ay tinatawag na Sulagad. Ito ay organic at hindi ginagamitan ng mga kemikal. Mayroon ding mga sinusunod na paniniwala katulad ng pagtingin sa galaw ng mga bituin bilang kalendaryo. Iba ito sa mga komersyal na binhi at paraan ng pagtatanim na isinusulong ng mga malalaking korporasyon at negosyo.

Ayon sa mga nakatatandang lider katutubo, ito ay may malalim na kaugnayan sa lupa, panahon, kultura, at pamumuhay ng bawat tao sa komunidad ng mga katutubo.

Ang mga pangalan o katawagan sa mga paglalagyan ng mga binhi na matatagpuan sa loob ay ang mga sumusunod: Këleleng, Simbit, Tabungos, Biton, Kënentoy, Tëruntong, Bëruyot, Sufo. Hindi lamang mga binhi ang matatagpuan sa mga kiwot. Kasabay nito ay ang kaalaman kung paano pipiliin, at ano ang tamang paghahanda sa mga itatanim na binhi, gayundin sa paano ito alagaan at maipapasa sa mga susunod na henerasyon.

Sa bawat kiwot ay naka imbak ang maraming uri ng katutubong binhi katulad ng mga palay, mais, gulay, prutas, at mga halamang gamot. Ang mga katutubong binhi ay inangkop sa lupa, at klima. Kinakailangang magsagawa ng ritwal na pinangungunahan ng mga katutubong lider ang bawat binhi at ang pagtatanim nito upang masiguro ang matibay at masaganang pagtatanim, pagani, hanggang sa muling paghahanda sa mga ito sa susunod na pagtatanim.

Para naman sa mga kababaihang Teduray at Lambangian, mahalaga ang pag iimbak ng mga binhi upang mapangalagaan at maipamana ang mga ito sa mga susunod na henerasyon. Hangad din nila na ang mga binhi ay hindi masalinan ng mga makabagong binhi na inaalok ng mga korporasyon at traders. Para sa kanila, ang pangangalaga sa mga seedbank ay gawain ng buong pamayanan upang tuluyan ng wakasan ang pagkagutom ng mga komunidad sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga binhi na itatanim, nang sa gayon ang lahat ay magkaroon ng pagkaing sapat para sa bawat pamilya.

Sa mundong naghahanap ng lunas sa krisis sa pagkain at kapaligiran, ang sagot ay maaaring nasa ating sariling mga katutubong pamayanan. Ang mga hamon sa seguridad sa pagkain, kalikasan, at sa pagkakakilanlan ay nasa sariling kamay, sa mga binhing inaalagaan at ipinasa ng ating mga ninuno. Kung kaya’t mahalaga itong protektahan at suportahan.

###

Section image
Section image

Previous
FACT SHEET: Traditional Home Birth Local Policies in...
Next
LILAK Statement on the 5th SONA of the Marcos-Duterte...
 Return to site
Cookie Use
We use cookies to improve browsing experience, security, and data collection. By accepting, you agree to the use of cookies for advertising and analytics. You can change your cookie settings at any time. Learn More
Accept all
Settings
Decline All
Cookie Settings
These cookies enable core functionality such as security, network management, and accessibility. These cookies can’t be switched off.
These cookies help us better understand how visitors interact with our website and help us discover errors.
These cookies allow the website to remember choices you've made to provide enhanced functionality and personalization.
Save