• Home
  • Our Story
  • Our People
  • Programs & Campaigns
  • Take a Stand
  • LILAK Press
  • Publications
  • Resources 
    • Umalohokan News
    • Coverage
    • Photos
    • Videos
  • Artivism 
    • Megsembatu Kite!
    • KPinay, May K Ka
    • Fëgëlukës at Linggëng
    • Illustrations
    • Poems
  • …  
    • Home
    • Our Story
    • Our People
    • Programs & Campaigns
    • Take a Stand
    • LILAK Press
    • Publications
    • Resources 
      • Umalohokan News
      • Coverage
      • Photos
      • Videos
    • Artivism 
      • Megsembatu Kite!
      • KPinay, May K Ka
      • Fëgëlukës at Linggëng
      • Illustrations
      • Poems
Support LILAK
  • Home
  • Our Story
  • Our People
  • Programs & Campaigns
  • Take a Stand
  • LILAK Press
  • Publications
  • Resources 
    • Umalohokan News
    • Coverage
    • Photos
    • Videos
  • Artivism 
    • Megsembatu Kite!
    • KPinay, May K Ka
    • Fëgëlukës at Linggëng
    • Illustrations
    • Poems
  • …  
    • Home
    • Our Story
    • Our People
    • Programs & Campaigns
    • Take a Stand
    • LILAK Press
    • Publications
    • Resources 
      • Umalohokan News
      • Coverage
      • Photos
      • Videos
    • Artivism 
      • Megsembatu Kite!
      • KPinay, May K Ka
      • Fëgëlukës at Linggëng
      • Illustrations
      • Poems
Support LILAK

MAGKAISA, MANINDIGAN, AT PANAGUTIN: Katutubong Kababaihan Laban sa Korapsyon

National Indigenous Women's Gathering 2026

Unity Statement

· Statements and Press Releases

MAGKAISA, MANINDIGAN, AT PANAGUTIN:
Katutubong Kababaihan Laban sa Korapsyon

National Indigenous Women’s Gathering 2026
Hulyo 26-28, 2026
Sta. Rafaela House of Spirituality

Kaming mga Katutubong kababaihan at kabataang babae ay nagtipon para sa taunang Pambansang Pagtitipon ng Katutubong Kababaihan (National Indigenous Women Gathering) sa Quezon City, Philippines, Hulyo 26-28, 2026. Nanggaling kami sa labing walong (18) katutubong komunidad ng Aeta Abelen, Pelawan, Dumagat Remontado, Hanunuo Mangyan, Ati ng Boracay, Iraynon Bukidnon, Ituman Magahat Bukidnon, Mamanwa, Subanen, Higaonon, Kirëntëkën Pulangiyën Ilantungan Talaandig, Erumanen ne Menuvu, Taboli, Mënubú Dulangan/ Dulangan Mënubú, Teduray, Lambangian, at Manobo.

Kami ay nagsama-sama na mayroong isang paninindigan: magkaisa upang ipagtanggol ang aming mga karapatan at panagutin ang pamahalaan sa malawakang korapsyon, pang-aabuso, at kawalang-katarungan na patuloy na nagpapahirap sa aming buhay. Kami ay nagsasanib pwersa para itaguyod ang kinabukasan na may kapayapaan, kaunlaran at dignidad bilang mga katutubong babae na magsasaka, impormal namanggagawa, katutubong kababaihang may kapansanan, migrante, katutubong manggagamot, kabataan, senior citizens, at mga tagapagtanggol ng karapatan ng katutubong kababaihan.

Labis naming ikinadidismaya ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa loob ng apat na taon sa pamahalaan, hindi pa rin kinilala ang tunay na realidad at katayuan naming mga katutubong kababaihan at nang aming pamilya sa gitna ng lumalalang krisis sa klima, tumitinding kahirapan, at iba pang suliraning patuloy na nagpapahirap sa aming mga komunidad. Isa dito ang malawakang korupsyon sa loob ng administrasyong Marcos-Duterte. Sa bawat pondong ninanakaw ng mga korup at sa bawat polisiyang inuuna ang interes ng mayayamang pamilya, mas lalong ipinagkakait ang mga batayang serbisyo at tunay na kaunlaran sa ating mga komunidad.

Ang patuloy na hindi pagkilala sa aming mga karanasan ay bunga ng isang modelo ng kaunlaran kung saan ang pagtingin sa mga katutubo, lalo’t higit ang mga katutubong kababaihan at kabataan ay isang “benepisyaryo” lamang, at hindi katuwang sa pagsulong ng likas-kayang kaunlaran. Sa marami pang pagkakaktaon, ang tingin sa amin ay hadlang at kaaway. Kaya naman, kami bilang mga tagapagtanggol ng karapatan ng katutubong kababaihan ay patuloy na nakakaranas ng panggigipit, pananakot, red-tagging at ang iba ay tuluyang pinapatay.

Patuloy ding isinasantabi ang aming mga karapatan sa pamamagitan ng paglabag sa tunay na diwa ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) at pagpapapasok ng mga mapanirang proyekto sa aming mga lupaing ninuno. Lalo na ngayon na may isinusulong ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na Revised 2026 FPIC Guidelines na lalong nagpapahina ng aming boses at nagpapalakas sa mga korporasyon.

Ang kaunlaran ay hindi nasusukat sa dami ng mga kalsada, tulay, paliparan, minahan, plantasyon, at iba pang malalaking proyekto kung kapalit naman nito ang pagkawasak ng aming mga buhay, komunidad, kultura, at kabuhayan.

Hindi lubos na kasagutan ang iba't ibang programang pa-ayuda ng pamahalaan, kung umaabot man sa iilan, kung patuloy namang inaagaw ang aming mga lupaing ninuno na siyang pinagkukunan namin ng pagkain, gamot, at kabuhayan. Ang tunay na solusyon ay ang pagkilala at pangangalaga sa karapatan sa aming mga lupain at likas na yaman.

Hanggang ngayon, marami pa sa amin ang naghihintay ng pag-issue ng aming Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) mula sa NCIP. Mas mabilis pa ang pag issue ng mga mining permits sa aming lupaing ninuno at iba pang mga mapanirang proyektyo ng mga malalaking korporasyon. Dahil dito, walang kasiguraduhan ang aming pagkain. Nandyan din ang banta ng mga armadong grupo ng mga panginoong may lupa, ng mga malalaking korporasyon mula sa mining industry, turismo, at plantasyon. Dahil dito, walang kasiguraduhan ang aming buhay.

Nabanggit ng Presidente ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections na magaganap sa September ngayong taon. Iginiit na ito ay historical at sisiguraduhin ang peace and order sa eleksyon. Ngunit ang tunay ngang historical ang antas ng karahasan sa BARMM. Simula nitong buwan ng Hulyo, may isa hanggang lima ang pinapatay kada araw sa rehiyon. Labas pa ito sa listahan ng mga pagpatay sa mga Teduray at Lambangian na Non-Moro Indigenous Peoples na umabot na sa 107 simula noong 2014 hanggang sa kasalukuyan.

Ang pagpasok ng mga minahan, logging, plantasyon, at turismo sa aming mga lupaing ninuno ay hindi lamang sumisira sa aming kalikasan at kabuhayan, kundi nagdudulot din ng matinding panganib sa mga katutubong kababaihan. Kasabay ng mga proyektong ito ang pagpasok din ng mga armadong pwersa ng estado, ng mga korporasyon at panginoong may lupa na nagdudulot ng iba't ibang porma ng gender-based violence, na lalong nagpapababa sa kaligtasan ng mga kababaihan at kabataan sa aming mga komunidad.

Bilang mga katutubong kababaihan mula sa iba't ibang panig ng bansa, sama-sama naming iginigiit ang ilan sa aming panawagan:

  • Tiyakin ang ganap na pagkilala at proteksyon sa aming mga lupaing ninuno sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pag-award ng CADT.
  • Ibasura ang revised 2026 FPIC guidelines! Igalang ang aming mga katutubong sistema ng pamamahala at pagmamay-ari ng lupa, at ang tunay na Free, Prior, and Informed Consent.
  • Itigil ang mga mapanirang proyekto sa loob ng lupaing ninuno! Pahalagahan at suportahan ang aming kabuhayan, pagkain, tubig at kalikasan.
  • Tiyakin ang sapat, dekalidad, at naaabot na serbisyong panlipunan para sa mga katutubong komunidad, kabilang ang edukasyon, serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga liblib at mahihirap na lugar.
  • Maglaan ng sapat na suporta sa kabuhayan at seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng pagpapalakas ng lokal na ekonomiya, patas na presyo ng mga produktong pang-agrikultura, pagpapatayo ng Farm-to-Market Roads na ang prayoridad ay mga katutubo, at iba pang programang tutugon sa pangangailangan ng mga katutubong komunidad.
  • Kilalanin at suportahan ang katutubong kaalaman, kultura, at pangangalaga sa kalikasan bilang mahalagang ambag sa pagtugon sa krisis sa klima at sa pagtataguyod ng likas-kayang kaunlaran.
  • Tiyakin ang transparency, pananagutan, at makabuluhang partisipasyon ng mga katutubong kababaihan sa pagbuo, pagpapatupad, at pagsubaybay ng mga programa at patakarang may epekto sa aming mga komunidad.
  • Itigil ang pananakot at red-tagging sa mga lider katutubo at Indigenous Women Human Rights Defenders. Buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC).
  • Kilalanin ang mga katutubong kababaihan bilang mga katuwang sa paghubog ng mga polisiya at programa, at hindi lamang bilang mga benepisyaryo ng mga ito. Ang aming mga karanasan, kaalaman, at pamumuno ay mahalaga sa pagbuo ng mga solusyong makatarungan, inklusibo, at tumutugon sa tunay na kalagayan ng aming mga komunidad.

Hindi sapat ang pagkilala lamang sa aming mga karapatan. Kailangan itong isabuhay, ipatupad, at ipagtanggol. Sapagkat ang anumang kaunlarang ipinapatupad nang hindi kasama ang mga Katutubong kababaihan ay hindi tunay at ganap na kaunlaran.

PAPANAGUTIN ANG LAHAT NG MGA KURAKOT!

IWAKSI ANG KORUPSYON, ITAGUYOD KARAPATAN, KAUNLARAN AT KATARUNGAN!

Sa araw na ito, aming pinagkakaisahan at pinaninindigan ang pahayag na ito, at aming bibitbitin sa iba’t ibang larangan upang isakatuparan ang aming mga kahilingan, pangarap at karapatan.

Ika 28 ng Hulyo, 2026
Lungsod ng Quezon

Section image

Previous
FACT SHEET: Traditional Home Birth Local Policies in...
 Return to site
Cookie Use
We use cookies to improve browsing experience, security, and data collection. By accepting, you agree to the use of cookies for advertising and analytics. You can change your cookie settings at any time. Learn More
Accept all
Settings
Decline All
Cookie Settings
These cookies enable core functionality such as security, network management, and accessibility. These cookies can’t be switched off.
These cookies help us better understand how visitors interact with our website and help us discover errors.
These cookies allow the website to remember choices you've made to provide enhanced functionality and personalization.
Save