Pagbati sa lahat ng mga tagapagtanggol ng Karapatang Pantao sa buong mundo.
Pagpupugay sa mga kababaihang ipinaglalaban na ang karapatan ng mga kababaihan ay karapatang pantao.
Sa gitna ng mga banta, at panggigipit, ikaw ay nagpatuloy sa inyong magiting na misyon na ipagtanggol ang dignidad ng kababaihan, at nang sangkatauhan, at ibalik ang kawalan nito sa mga napagkaitan.
Patuloy kang nagmumulat sa tunay na kalagayan ng ating lipunan, pumupukaw sa mga nagbubulag bulagan, nag-aangat sa mga boses na hindi naririnig, at nagmamahal… patuloy na nagmamahal sa ating bayan, at sa kapwa tao.
Ngayong ika-75th na taon ng Human Rights Day, ipinagdiriwang kita at ang iyong mga kontribusyon para sa pagsusulong ng buhay na malaya, walang diskriminasyon, at walang karahasan tungo sa pagkamit natin sa isang buhay na may dignidad.
Sa lahat ng mga kababaihang tagapagtanggol ng Karapatang Pantao sa mundo,
mahigpit na yakap mula sa inyong LILAK Sisters. Padayon!
#UDHR75 #HR75 #HumanRightsDay #DefendHumanRights