• Home
  • Our Story
  • Our People
  • Programs & Campaigns
  • Take a Stand
  • LILAK Press
  • Publications
  • Resources 
    • Umalohokan News
    • Coverage
    • Photos
    • Videos
  • Artivism 
    • KPinay, May K Ka
    • Fëgëlukës at Linggëng
    • Illustrations
    • Poems
    • Creative Videos
  • …  
    • Home
    • Our Story
    • Our People
    • Programs & Campaigns
    • Take a Stand
    • LILAK Press
    • Publications
    • Resources 
      • Umalohokan News
      • Coverage
      • Photos
      • Videos
    • Artivism 
      • KPinay, May K Ka
      • Fëgëlukës at Linggëng
      • Illustrations
      • Poems
      • Creative Videos
Support LILAK
  • Home
  • Our Story
  • Our People
  • Programs & Campaigns
  • Take a Stand
  • LILAK Press
  • Publications
  • Resources 
    • Umalohokan News
    • Coverage
    • Photos
    • Videos
  • Artivism 
    • KPinay, May K Ka
    • Fëgëlukës at Linggëng
    • Illustrations
    • Poems
    • Creative Videos
  • …  
    • Home
    • Our Story
    • Our People
    • Programs & Campaigns
    • Take a Stand
    • LILAK Press
    • Publications
    • Resources 
      • Umalohokan News
      • Coverage
      • Photos
      • Videos
    • Artivism 
      • KPinay, May K Ka
      • Fëgëlukës at Linggëng
      • Illustrations
      • Poems
      • Creative Videos
Support LILAK

National Indigenous Women's Gathering 2025 Unity Statement

International Day of the World's Indigenous Peoples 2025

· Statements and Press Releases

Ngayong Hulyo 30, 2025, mahigit 60 Katutubong kababaihan at batang babae ang nagtipon para sa taunang Pambansang Pagtitipon ng Katutubong Kababaihan (National Indigenous Women Gathering 2025) sa Quezon City, Philippines. Mula sa mga komunidad ng Ayta Abellen, Dumagat, Tadyawan Mangyan at Palaw’an sa Luzon; Ata-Bukidnon, Bukignon, at Ituman Magahat Bukidnon sa Visayas; at Manobo, Mamanwa, Higaonon, Teduray, Lambangian, Erumanen ne Menuvu, Taboli, T’boli, Dulangan Manobo/ Manobo Dulangan, Blaan, Subanen, Mansaka, Kirinteken-Pulangiyen Manobo, at Manobo sa Mindanao, kami ay nagsama-sama upang ipahayag sa pamahalaan ang tunay na kalagayan ng mga Katutubong kababaihan.

Section image

Walang banggit ang gobyerno sa libu-libong lupaing ninuno na hanggang ngayon ay naghihintay ng pagproseso ng kanilang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT). Kinikilala ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA) ang karapatan naming mga Katutubo sa lupaing ninuno at sa sariling pagpapasya sa pamamagitan ng proseso ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC). Ngunit kaliwa’t kanan pa rin ang pagnanakaw ng aming lupain. Sa marahas na pag-agaw ng lupaing ninuno, nangunguna pa rin ang mga dambuhalang minahan, plantasyon, mega dam, pagtotroso, turismo, at proyektong pang-enerhiya. Ang mas masama pa, patuloy ang pakikipagkuntsabahan sa kanila ng pamahalaan at mga oligarkiya o mga mayayaman at makapangyarihang pamilya, at protektado ang mga korporasyong ito ng mga armadong pwersa ng Estado. Hindi ba’t taumbayan ang s’yang dapat na pinagsisilbihan ng mga kawani ng gobyerno, mga sundalo, at mga pulis?

Dahil sa patuloy na pagkamkam at pagyurak sa lupaing ninuno, nasasadlak kami sa tumitinding krisis sa pagkain, kalusugan, klima, at karapatang pantao. At lalong nagpapahirap sa amin ang limitadng akses sa basic social services at suporta para sa pang-araw-araw naming pangangailangan. Tuwing panahon ng kalamidad, militarisasyon, at sapilitang paglikas, kulang din, kung mayroon man, ang ibinibigay sa amin na ayuda.

Ang dati naming tinatamnan ngayo’y malalalim na lamang na hukay ng minahan. Hindi na kami makatapak sa gubat na pinagkukunan namin ng medisina, pagkain at kabuhayan. Mistulang dayuhan sa sarili naming tahanan, at arawang manggagawa sa dati’y sarili naming lupa. At sa rurok ng kahirapan at gutom, sapilitang ikinakasal at nagpapakasal na mga Katutubong kabataang babae, inaalis ang kanilang karapatan sa sariling pagpapasya, at ninanakaw ang mga pangarap. Kakabit nito ang maagang pagbubuntis na may kaakibat na pangmatagalang epekto sa kanilang batang katawan; at sari-saring porma ng karahasan laban sa Katutubong kababaihan at batang babae.

Ang isa pang kinakaharap naming problema ay kawalan ng pagkakapantay-pantay at mga masasakit na karanasan ng diskriminasyon sa pagiging Katutubo, sa aming kasarian, edad, katayuan sa buhay, antas ng edukasyon, lenggwahe, at pagkakaroon ng kapansanan. Ngunit ang solusyon ng gobyerno ay nanatiling limitado sa modernisasyon, negosyo, at foreign investments. Puro pagtugon sa sintomas at hindi sa ugat ng tunay na sakit ng lipunan. Nasaan na ang tugon sa napakaraming paglabag sa karapatan naming mabuhay ng may dignidad at kalayaan?

Ayon kay Pang. Marcos Jr., naabot na natin ang inaasam na kapayapaan sa BARMM. Kapayapaan ba ang tawag sa patuloy na tumataas na bilang ng mga pinapaslang sa mga non-Moro Indigenous Peoples? Kapayapaan bang matatawag ang impunidad o walang pagpapanagot na nanatili sa mga kaso ng karahasan laban sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao? Kapayapaan bang matatawag ang tila walang hanggang siklo ng pagtapak sa’ming karapatang pantao at sapilitang pagpapatahimik sa tuwing kami ay lumalaban?

Patuloy kaming nangangarap ng magandang buhay, para sa hingawa ng bawat isa. Pangarap naming mabuhay nang payapa, maginhawa, malaya at maligaya sa loob ng aming lupaing ninuno at kapiling ng aming komunidad. Ang hinabi-habi naming mga pangarap ang patuloy naming pinagkukunan ng lakas, tapang, at pag-asa.

Para sa aming mga pangarap, hinding-hindi kami tatahimik at patuloy na mananawagan:

  • Para sa pangarap naming mabuhay nang payapa at maginhawa sa aming lupaing ninuno, kailakailangan ng Estado na:
    • Pabilisin ang pagproseso ng Certificate of Ancestral Domain Titles (CADTs), at kumpletuhin ito hanggang pagrerehistro at pagbibigay ng titulo ng lupa sa amin;
    • Siguraduhin ang maayos, tama at patas na proseso ng FPIC sa lahat ng proyekto at programa na papasok sa lupaing ninuno;
    • Ipasara ang mga dambuhalang proyekto tulad ng minahan, plantasyon, mege dam, pagtotroso, turismo, at proyektong enerhiya na may kaso ng paglabag sa karapatang pantao, may kwestyonableng FPIC, at sumisira sa kalikasan;
    • Ibasura ang Philippine Mining Act at ipasa ang Alternative Minerals Management Bill;
    • Kilalanin, igalang, at bigyang pinansyal at teknikal na suporta ang ADSDPPs at community development plans;
    • Siguraduhing may sapat, angkop, at agarang ayuda o suporta ang mga Katutubong komunidad sa panahon ng kalamidad, militarisasyon, at sapilitang paglikas;
    • Siguraduhing may akses ang Katutubong kababaihan at batang babae sa basic social services na sapat at angkop sa aming kultura at konteksto tulad ng kumpletong health facilities (may regular na doktor, nurse, midwife, at sapat na gamot), farm-to-market roads, libreng kalidad na edukasyon, patas na access sa scholarship grants at libreng pailaw at patubig; at
    • Gawing accessible ang mga public and private establishments para sa mga Katutubong may kapansanan at senior citizens.
  • Para sa pangarap naming Katutubong batang babae na magkaroon ng buhay na pinili namin, kung saan ang desisyon namin ay pinapahalagahan, at kung saan ligtas kami laban sa karahasan, kinakailangan ng Estado na:
    • Wakasan ang pagpapakasal sa mga bata sa pamamagitan ng maayos na implementasyon ng Prohibition of Child Marriage Act;
    • Siguraduhing wala ng batang babae ang manganganak at may sapat silang akses sa edukasyon at impormasyon tungkol sa sekswalidad at reproduktibong kalusugan at karapatan; at
    • Ipasa ang Prevention of Adolescent Pregnancy Bill na nagsisiguro na may akses ang kabataang kababaihan sa serbisyong reproduktibo.
  • Para sa pangarap naming wala na muling mamatay at masaktan na Katutubong kababaihang tagapagtanggol ng karapatang pantao, kainakailangan ng Estado na:
    • Agarang rumesponde sa nakababahalang pagpatay at karahasan laban sa mga Non-Moro Indigenous Peoples (NMIPs) sa BARMM;
    • Papanagutin ang mga may sala - seryosong imbestigasyon hanggang sa pagkaso at pagkakakulong;
    • Buwagin ang NTF-ELCAC, Anti-Terrorism Law, at Executive Order No. 70 na s’yang nagbibigay pahintulot sa mga sundalo at pulis na mang-red-tag; at
    • Ipasa ang Human Rights Defenders Protection Bill.
  • Para sa pangarap naming maging bahagi ng pag-unland ng komunidad at ng bayan, kinakailangan ng Estado na:
    • Buksan o lumikha ng mga espasyo kung saan ang boses ng mga Katutubong kababaihan at batang babae ay pinakikinggan;
    • Siguraduhin ang makabuluhang partisipasyon at representasyon ng Katutubong kababaihan at batang babae sa pagdedesisyon at politikal na proseso tulad ng local special bodies, local youth development council, at iba’t ibang antas ng development councils; at
    • Kilalanin ang kontribusyon ng Katutubong kababaihan at batang babae sa pagprotekta ng kalikasan, paggawa ng pagkain, pangangalaga sa isa’t isa at sa komunidad; pagbuo ng solusyon laban sa tumitinding epekto ng climate change, at tunay na kaunlaran ng mamamayan.

Patuloy na nangangarap, patuloy na lumalaban.

Napagkaisahan sa:

National Indigenous Women Gathering 2025
HINGAWA: Këd wagib para të këupianan
Hulyo 30, 2025
Quezon City, Metro Manila, Philippines

Previous
Punlaan ng Kamalayan, Pangarap, at Pagkakaisa ng...
Next
 Return to site
Cookie Use
We use cookies to improve browsing experience, security, and data collection. By accepting, you agree to the use of cookies for advertising and analytics. You can change your cookie settings at any time. Learn More
Accept all
Settings
Decline All
Cookie Settings
Necessary Cookies
These cookies enable core functionality such as security, network management, and accessibility. These cookies can’t be switched off.
Analytics Cookies
These cookies help us better understand how visitors interact with our website and help us discover errors.
Preferences Cookies
These cookies allow the website to remember choices you've made to provide enhanced functionality and personalization.
Save